Sunday, May 03, 2009

On Another Proud Pinoy Moment

Bida na naman ang PINOY! Mabuhay ka, Manny "Pacman" Pacquiao!!! Pagkatapos lamang ng dalawang rounds, pinatumba na ng ating pambansang kamao ang kanyang may pagka-mayabang na kalaban sa katauhan ni Ricky "The Hitman" Hatton. Ika nga ni Britney Spears, "Hit him, Manny, one more time!".

Marami ang nanghinayang dahil sa kagustuhang maging matagal na bakbakan ang labanan. Pero sa galing ng Pinoy, tama lang na di na pinatagal ang laban.

Iwagayway na ang ating bandila! Maligayang pagbati sa iyong tagumpay, Manny!!!